Sunday, October 16, 2016

MGA ARAL NA NATUTUNAN SA MGA NAGDAANG PINAG ARALAN

by: Clarisse Garcia
Cedrik Villareal

      Sa isang mitolohiyang mula sa Hawaii na "Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan", natutunan kong hindi dapat pinaiiral ang galit sa paglutas ng mga bagay bagay sa mundong ito. Isa pa, dapat nating isipin ang maaaring kahinatnan ng mga pasyang ating gagawin upang sa huli ay hindi tayo magsisi.

      Pokus ng pandiwa, naririto ang dalawa sa iba't ibang pokus nito: Ang tagaganap o aktor at ang Layon o Gol. Mayroon akong natutunan sa araling ito na inihalintulad ko sa buhay. Ang buhay kung saan ang tao ang siyang GUMAGANAP ng isang KILOS.

    Ang kuwento ni Macbeth, natutunan ko rito na ang labis na paghahangad sa kapangyarihan ay nakapagtutulak sa taong gumawa ng kasamaan.

     Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo. Ang natutunan ko sa araling ito ay inihalintulad ko sa isang buhay na puno ng pagsubok. Ang buhay natin ay minsa'y masaya o puno ng komedya, minsa'y may trahedyang humahamon sa ating pananampalataya, minsa'y may melodrama o mga problemang nagpapaluha sa atin, at tragikomedya na nagsasabing minsan sa buhay natin ay di natin mawari na ang kasiyahan pala ay may kapalit ding kalungkutan. Sa buhay ng tao, hindi laging nasa ibabaw at higit sa lahat, hindi rin laging nasa ilalim ngunit pahalagahan ang buhay na ibinigay. Kung pumailalim, gumawa ng magandang SIMULA, harapin ang YUGTO at GITNA, at tanggapin ang kinalabasan ng WAKAS.

      Sa kwentong "Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan", natutunan ko na dapat nating pag-isipang mabuti ang landas na ating tatahakin upang hindi masayang ang mga oras na iginugol natin para dito.

      Ang tula at mga elemento nito, ang araling ito ay parang ginagawa natin sa araw araw. Dapat nating itugma ang kilos sa mga bagay na ginagawan natin ng kilos upang maging maayos ang daloy ng buhay.

     Ang Kuwento ng Isang oras, sa kwentong ito ay natunghayan ko ang pagkagusto ng isang tao na maging malaya. Natutunan kong ang pagkakaroon ng malayang pamumuhay ay dapat nating ipagpasalamat dahil hindi lahat ng tao ay nakararanas nito.

       Pagsulat ng maikling kuwento. Natutunan ko sa araling ito na ang pagsulat ng maikling kuwento ay ihalintulad mo lamang sa buhay natin na dapat ay makatotohanan upang makapukaw ng atensyon sa mga mambabasa.

       Pokus ng Pandiwa: Sanhi at Direksyonal. Ang araling ito ay tumutukoy sa tanong na ANO at SAAN.

     Sa mga araling nagdaan, maiintindihan lang natin ito kung isasabuhay natin ang bawat aral na ating natututunan.






No comments:

Post a Comment